Tips in Profitable Investing


Karamihan sa mga pilipino ay ang tingin sa pag-i-invest ay negative ka'gad. Ito'y dahil sa takot na ma-scam, dahil nga naman nagkalat ang scam sa internet or kahit offline. Hindi natin sila masisisi. Pwede rin dahil sa kakulangan sa knowledge sa mga investment options. Unlike sa ibang bansa, katulad ng Singapore na halos exposed ang mga tao sa investment options and financial literacy, ang ating mga local media ay naka-focus sa pag-avertise ng mga fast moving products.

Hindi rin masyadong maalam o marunong sa pag-manage sa pera ang karamihan sa ating mga kababayan. Bigay-hilig sa paggastos kapag may pera, bahala na bukas.

Panahon na siguro na pangalagaan ang ating pinagharapang pera. Hindi tayo forever bata. Kailangan paghandaan ang hinaharap. Matutong mag-ipon at mag-invest.

Heto ang ilan sa mga tips:

1. Start Early

Sa pag-invest, mas lamang ka kapag nauna ka o kapag nagsimula ka ng maaga. Dahil siguro sa hindi masyado marunong sa pag-manage sa pera kaya karamihan hindi nakakapag-invest ng mas maaga. Kapag hindi ka kagad nag-i-invest, pinapatulog mo lang ang pera mo, o ang masaklap, ginagastos mo lang sa mga bagay na makapagbibigay ng liabilities instead of asset, malaki ang nawawala sa pera mo.

Sa investment, "the earlier you start, the more money you accumulate". Ito'y dahil sa power of compounding interest.

Ang pinakamaganda kung maaga kang nagsimula, maaga ka ding natututo.

2. Be Willing to Wait

Investment is allocating money, in the expectation of some benefit in the future. Kapag willing kang mag-antay, palaki nang palaki ang pera mo habang tumatagal siya sa investment. Ang compounding interest ay sumasabay sa time. The longer it gets, the more it grows.

Ang investment ay pang long term, kaya ang perang ipapasok mo sa investment ay savings na alloted for investment talaga.

3. Think of the Future

After years of hardwork, you deserve to enjoy and have a good life in the future. Kapag nag-invest ka ng maaga, malaki ang chance na mag-retire ka sa work mo ng mas maaga, dahil sooner or later kaya nang tustusan ng investment mo ang lifestyle mo.

4. Avoid Speculation

Dapat prepared at confident ka sa gagawin mong desisyong pagpasok sa napili mong investment. Ang pag-invest ay hindi katulad ng pagtaya sa sabong or raffle, kelangan pagplanuhan ng maigi. "An investment without a proper plan is as good as a gamble."

5. Study before Getting In

Pag-aralan ang papasuking investment. Hindi puwedeng basta papasok sa investment na hindi mo muna inaalam ang nature ng business or operations, at siguraduhin legal ito.

Hindi dahil sa madaming pumapasok sa ganito at ganyang investment, sugod ka din kagad. Dahil sinabing mataas ang return, sali ka din kagad. Sa totoo lang, kapag sinabing high yield at too good to be true, malamang scam 'yan.

6. Have a Clear or Defined Goal

So, bakit ka mag-i-invest? Kapag wala kang defined goals, wala ka ding motivation. Kung alam mo sa sarili mo ang malinaw na dahilan ng iyong pagpasok sa investment, you are more likely to succeed.

Sa pag-set ng goal, dapat nanjan din ang time frame. Let's say, kelangan mo ng return of investment na 1 million in 5 years. Alam mo na ang pinasok mong pera at investment ay capable sa ini-expect mong return.

7. Do Not Put Your Eggs in One Basket

"Do not put your eggs in one basket," it's one of the famous quotes of Warren Buffett. Ibig sabihin, ikalat mo ang iyong investments, hindi sa iisa lamang. Diversified investments help you protect from losing money. Investments are expected to have risks, whether high or low. So, ang risk of losing money kapag madami kang investments ay napakaliit.

8. Invest in Real Estate

Ang isa sa maituturing na pinaka-profitable na investment ay ang real estate.

Real estate gain high interest or high resale value. Malaki ang price appreciation at rental rate lalo na kapag nasa prime location.

Ang real estate investment ay low risk dahil  sa history ng property prices sa Pilipinas, ang real estate ay hindi bumaba, hindi nagpa-fluctuate, laging pataas.

Ito rin ang investment na pwedeng gawing business which is through rentals.

Just imagine renting out a property in the right place, with the right appreciation rates. This creates a huge passive stream of income!

SMDC Properties are in prime location, you are assured of high appreciation and high rental rates.

Comments

  1. Casino App Review & Bonus Code for Borgata Hotel & Casino
    The Borgata 서산 출장마사지 Hotel & Casino is a top-of-the-line hotel and casino located 군포 출장안마 on the Atlantic 경상북도 출장샵 City Boardwalk in the marina district. The 강원도 출장안마 casino has a total 과천 출장안마

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Advantages and Disadvantages of Being an OFW

Choosing a Family-Friendly Condo